Ayon sa bulatlat.com, inilalagay sa klasipikasyong "Poor and Landless" ang karamihan sa mga magsasakang ito. Isa na nga rito si G. Francisco Nakpil. Siya ay isa lamang sa ilang bilyong manggagawa ng Hacienda Luisita. Mula sa probinsya ng Tarlac, aabutin ng 100 kilometro segundo hilaga ng Maynila. Malayo ang Tarlac sa Maynila ngunit marami sa mga magsasaka ang nagpupunta pa sa Maynila upang ipaglaban ang kanilang mga karapatan. Parang ang ipinalalabas nito ay sa kanila mismong lugar ay walang makikinig at tutulong sa kanila. Bukod pa dito, nasa Maynila ang Pangulong P-Noy na anak ng may-ari ng Hacienda Luisita, na maaari nilang mahingan ng tulong. Ang CARP na ipinatupad ng dating Pangulong Corazon Aquino ay tila nagpalala pa ng kalagayan ng mga magsasaka. Umigting pa lalo ang kahirapan na natatamasa ng mga magsasaka. Si Francisco Nakpil, isang trabahador sa plantasyon ng tubo sa Hacienda Luisita, ang pinaka pokus ng Blog na ito. Siya ay manggagawa dito ng 45 taon na. Noong 1989, ipinakilala ng CARP ang SDO (Stock Distribution Options). 7,000 mga manggagawa ang naging "stockholders"ng agro-corporation. Sa loob ng 30 taon, kinakailangang ibigay ng mga may-ari ng HCL ang 32% ng total stocks ng kompanya sa mga magsasakang ito. Ngunit nasunod nga ba ito? Sa nakalipas na 15 taon, ang pang araw-araw na kinikita ni Mang Francisco ay 9 na piso, 1 sako ng bigas buwan buwan, 4,000 pesos na utang pang-edukasyon tuwing Hunyo para sa anak, at taun-taong 3% profit share na nagkakahalagang 2,000 pesos. Ang taun-taon niyang income ay 17,760 o 48.66 pesos araw-araw. Meron ding 240 sq.m na lote. Nakakagulat isipin kung paano sila nakakaraos ng ganoon lamang ang pera nila na nakukuha. Kami nga na kabilang sa middle-class lamang ay may income na 50,000-100,000 pesos kada taon. Ang ibang tao nga ay sobra-sobra pa dito at humihigit pa. Isipin mo pa na ang iba, kumikita sa simpleng pag-upo lamang sa opisina na may aircon, kaunti lang ang ginagawa, may pagkain pa, kumikita ng sobra sobra. Samantalang ang mga magsasaka na ito ay nagpapakahirap magtrabaho habang nasa matinding init ng araw ay makakakuha ng tira-tirang pera lamang na halos wala ka ng maibili. Nakakaiyak at nakakaawa sila lalo na ang kanilang pamilya. Naiisip ko kung pati kaya anak nila nagtatrabaho at nagbabanat na ng buto sa murang edad. Aking masasabi at napagtanto na napaka swerte ko talaga pati na rin kayo dyan na nakatatamasa ng maayos na buhay ngayon. Samantalang sila, nasa mundo pa pero parang hirap ng impyerno na ang nararanasan. Bakit ganoon, kung sino pa ang masisispag at nagsusumikap sa buhay upang makaraos, sila pa ang mga hindi pinapalad. Karamihan sa mga taga-Maynila, tamad at happy-go-lucky lamang. Kaya kung tutuusin, mas maganda pa sa probinsya kaysa sa Maynila kasi dito sa atin sa Maynila, lahat halos ay plastic at walang pagpapahalaga sa kung ano ang meron sa kanila. Mga nilalalang na hindi marunong makuntento sa ibinibigay na mga biyaya ng Diyos sa kanila. Sana naman ay makunsensya na lahat ng mga tao dyan lalo na ang mga may posisyon sa pamahalaan ngunit wala namang ginagawang aksyon para sa mga magsasakang ito na humihingi ng tulong. Sa mga estudyante dyan na walang ginagawang makabuluhan, sana naman matuto tayong maawa sa ating mga magulang na nagtatrabaho upang tayo ay mabigyan ng magandang buhay at mapag-aral tayo sa magandang paaralan o unibersidad. Ang mga anak ng mga magsasakang ito, hindi natatamasa ang edukasyon na karapatan din nila bilang bata. Kaya sana ngayon palang ay magbago na tayo at magsimula ng magandang bukas. Alang-alang nalang sa mga bata sa mga oras na ito na hindi nakakapag-aral, nagtatrabaho upang mabuhay.
Ngayon, sa edad na 62 ni Mang Francisco, siya ay may souvenir na house and lot mula HCL, 20,000 pesos na separation pay, at 2,600 na pension buwan-buwan mula SSS. Ang kanyang retirement ang tumapos sa 3% profit share na nagkakahalagang 2,000 pesos lamang. Ngayon ay wala na siyang lupa na maaari sanag maipamana sa anak at tanging 86 pesos na lamang ang pension na natatanggap niya buwan-buwan. Ang nanitong halaga ay sobrang liit upang matustusan niya ang pangangailangan ng kanyang pamilya. Kaya ang kanyang masasabi sa ating mga Pilipino ay, "Ako ay mahirap, mula noon hanggang ngayon." Sana sa mga salitang ito ay mapagtanto natin ang hirap ng buhay. Sana makaiwan ito ng aral sa ating lahat. Matuto na rin sana tayong magpahalaga sa lahat ng mayroon tayo at makuntento. Huwag na tayong magreklamo pa. Maging masaya nalang sa buhay na tinatamasa natin ngayon habang hindi pa huli ang lahat para sa atin para magbago.
HOPE is in our Hands.....
-This is Mimi, signing off.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento