Linggo, Enero 27, 2013

Hacienda Luisita, Ano na ang Nangyari?



Una sa lahat, kami ay nanood ng isang 'Video Clip' ng kalagayan ng mga magsasaka sa Hacienda Luisita. Ito ay talaga namang nakakagulat dahil kaawa-awa ang kalagayan ng mga magsasaka lalo na ang kanilang pamilya. Nakapagtatakang isiping ang Hacienda Luisita ay pag-aari ng pamilyang Cojuangco- Aquino. Ano nang ginawa nila dating Pangulong Corazon Cojuanco Aquino at ginagawa ng Pangulong Benigno Simeon "Noynoy" Aquino? Bakit parang wala silang ginagawa patungkol sa agrikultura lalo na sa mga magsasaka na 'Backbone' o gulugod pa naman ng ekonomiya ng bansa. Tila nagbubulag bulagan lamang ang mga politiko lalo na ang pangulo. Nasaksihan namin mula sa napanood kung gaano naging kahirap at patuloy na naghihirap ang mga magsasakang ito. Magpahanggang sa ngayon, wala paring konkretong solusyong nagagawa ang gobyerno at nakatataas na opisyal ng pamahalaan. Para saan pa't merong gobyerno tayo kung di naman natin nararamdaman ang kanilang pagkilos. Ayon sa mga survey at komento ng mga eksperto sa pagtingin ng ekonomiya, mayroon namang nagagawa ang pangulong PNOY ngunit hindi lamang talaga ramdam sapagkat maliit lang ang mga hakbang upang mapansin at maramdaman ng mga mamamayan. Kung baga, kumikilos siya ng patago. Ang napansin ko lamang sa ating pangulo pati sa kanyang pamilya, mahihilig silang mangako ngunit tila lagi itong napapako. Magaling silang magsalita ng matalinhaga at maganda sa lahat hanggang sa puntong napapaikot na ang kanilang mga ulo. Mahigit 500 na magsasaka ang nagpoprotesta sa Korte Suprema upang sila'y panigan patungkol sa reporma at agraryo na nais nilang makamit. Ngunit ngayong si pangulong PNOY ang namumuno, may makikinig pa kaya sa mga kaawa-awang magsasakang ito? Ngunit may isang unibersidad na gumawa ng hakbang at nakinig sa mga magsasaka, at ito ang Saint Benilde- La Salle University. Sila ay nakinig at nais gumawa ng kanilang paraan upang makatulong dahil sila mismo ay nakaranas ng hirap kahit sa ilang araw lamang ng pakikisalamuha at pagtira aa kanilang nayon. Kayo na po ang bahalang humusga.